Linggo, Pebrero 19, 2012

philippines news

'Yesterday, Today and Tomorrow' disqualified sa MMFF Awards Night


Alas dos y medya ng hapon kanina nang naging pinal ang desisyon ng Metro Manila Film Fest (MMFF) na i-disqualify ang “Yesterday, Today and Tomorrow.”
Kasabay ito ng awards nights ngayong gabi sa Resorts World.
Paliwanag ni Atty. Noemi Ilagan, “This is the decision raised by the executive committee, disqualification from receiving awards from: best picture, Gat. Puno, best director, story and screenplay.”
Ito'y matapos palitan umano ng Regal Films ang pre-approved casting at storyline ng pelikula na labag sa patakaran ng film fest.
Di mapigilang maiyak ng producer na si Lily Monteverde sa hatol.
Umaga pa lang umapela na siya sa pamunuan ng film fest na huwag ituloy ang disqualification.
Giit niya, nauna na nilang inabisuhan ang MMFF sa mga pagbabago sa project, at wala silang intensyong linlangin ang film fest.
Hindi rin daw ito lumihis sa drama format.
Sabi ni Mother Lily, “I've been with the industry for the past 51 years. Sana naman, they will also take into consideration na I mean well. Tapat ako just to help the industry.”
Naalarma rin sina Mother Lily at ang direktor niyang si Jun Lana sa banta ng disqualification sa mga karapatan ng filmmaker.
“Sometimes, when we are in a hurry, we just submit the script and there there are changes because we said there is a thing caled artistic freedom,” sabi ni Mother Lily.
Sabi naman ni Direk Jun, “As a director, meron akong right to change the script or to change a scene if it’s not working. I mean that’s my creative freedom as an artist. We just don’t understand why we are being singled out.”
Ipinunto rin ni Mother Lily ang revision at re-editing sa ibang pelikula sa film fest.
Aniya, “For example, the movie of ER Ejercito. Nag-aaway ‘yung direktor, they changed the script. Ang dami namang mga script, nagre-revise. It has been a repetition for the past how many years.”
Nakapagtataka raw na ngayon lang sila tinanggal, sakto sa gabi ng MMFF Awards, gayong napanood na ng jurors ang kanilang pelikula noon pang December 17.
Pero nanindigan ang MMFF na hindi nila pinuntirya ang pelikula ni Mother Lily.
Malaki lang daw kasi ang ipinagbago ng istorya nito sa orihinal na story sequence lalo na ang TV diva na karakter ni Maricel Soriano.
Pero, nananatili pa rin daw best actress nominee ang Diamond Star.
Nakatakdang idulog ang isyu sa Directors Guild of the Philippines.
Giniit rin ng abogado ni Mother Lily na may basehan para maghabol sila ng danyos sa MMFF. Ito’ y dahil sa kahihiyang sinapit ng “Yesterday, Today and Tomorrow.”
Ipinarating naman ni Maricel sa personal manager niyang si Shirley Kwan na hindi na siya dadalo sa awards night ngayong gabi dahil nasaktan din siya para kay Mother Lily. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino.
12/28/2011 9:47 PM Bookmark and Share

2 comments

HAHAHA..NAIMPLUWENSYAHAN NI BAKLETANG ABNOY PNOY YAN.

GUSTO KASI SANA NI BAKLETANG ABNOY PNOY NA MAGING BEST ACTRESS ANG KAPATID NIYANG MAY TULO NA SI KRIS AQUINO.
KAYA LANG KAHIT ANONG MANIUBRA NG MMFF OFFICIAL DI NILA KAYA KASI MASYADONG LAGPAK ANG ACTING SA THE TULO QUEEN NG PILIPINAS...
HAAY NAKO ABNOY PURO LANG TALAGA KAABNOYAN ANG GINAGAWA MO..PATI MMFF PINASUKAN MO PA NG ABNOY POLITICS MO.

its either

its either: rules are rules or na-politika kau



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento